Titulo ididepensa ng Foundation University
April 16, 2002 | 12:00am
Mainit na maipagpapatuloy ng Foundation University ang kanilang kampanyang mapanatili ang titulo sa 6th Nestea Beach Volley University Championships makaraang maipanalo ang kanilang elimination match.
Inilista ng malakas na tambalan nina Kent Bulabon at Isidro Bong-casan ng defending champion Foundation U mens team ang 21-13 tagumpay kontra sa Iloilo Doctors College para muling bumalik sa Boracay para sa National finals sa Mayo 11-12.
Ito ay sinundan din ng kanilang kababaihan makaraang ilista ng parehas nina Cherie Mae Boladola at Rolyn Marquicias 21-14 pananalasa kontra sa University of St. La Salle.
Umakyat din sa National Finals ang Pampanga Agricultural College makaraang igupo ang UP-Los Baños, 21-15 at DLSU-Dasmariñas na namayani laban sa LCBA, 21-15 para sa Luzon qualifiers ng mens division at nagwagi naman ang Baguio College Foundation kontra sa Pangasinan State U, 21-9 at DLSU-D laban sa PCU-Dasmariñas 21-19 para sa kababaihan.
Sa Visayas-Mindanao division, makakasama ng Foundation U ang Southwestern University na namayani sa University of San Carlos, 21-16.
Makakasama naman ng Foundation U ang University of San Jose Recoletos na nanaig sa Mindanao State U, 21-19.
Makakasama din nila ang 8 qualifiers ng Metro Manila eliminations.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended