Naging matatag ang Freezer Kings sa huling bahagi ng labanan upang iangat ang kanilang record sa 2-4 panalo-talo karta at ipalasap sa Teeth Sparklers ang kanilang kauna-unahang kabiguan matapos ang dalawang sunod na tagumpay.
Abot-kamay na ng Ana ang kanilang panalo matapos ang 75-68 pangunguna patungo sa huling 35 segundo ng labanan ngunit nagbanta ang Kutitap na nanatiling buhay ang pag-asa sa panalo matapos ang triple ni Jaymar Rivera at Mark Saquilayan at nagbababa sa apat na puntos na kalamangan ng Freezer Kings, 75-71 27 segundo na lamang ang nalalabing oras. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)