Na-wipe out ng Hotdogs ang 49-38 abante ng Realtors sa halftime nang simulan ng tropa ni coach Paul Ryan Gregorio ang third quarter sa pamamagitan ng 9-0 atake. Sa pagtatapos ng quarter ay tabla na ang score, 61-all.
At sa fourth quarter, kahit na nakaupo ang import na si Derick Brown na nagtamo ng kanyang ikaapat na foul ay nagawa pa ng Purefoods na makaarangkadat hindi na lumingon pa. Hayun, nagwagi ang Hotdogs, 87-76 upang magkaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals ng Samsung-PBA Governors Cup.
Sa kabilang dako ay napatid naman ang three-game winning streak ng Realtors na bumagsak sa 5-5 karta. Nanlamlam din ang kanilang tsansa na magkaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals bagamat posible pa ito depende sa magiging resulta ng huling laro ng FedEx Express.
Kaya masama ang loob ni Norman ay dahil sa animo kontrolado na nila ang laro noong first half. Biruin mong ang ganda-ganda ng ikot ng bola nila, ang ganda ng teamwork nila, matindi ang boxing out nila at kung anu-ano pa.
Bilang patunay na parang isang koponang solid ang Realtors ay nagkaroon sila ng 14 assists sa first half kontra sa dalawa ng Hotdogs. Pero nang magtapos ang game ay may kabuuang 18 assists lamang sila. Ibig sabihin ay apat na assists na lamang ang nagawa ng Realtors sa second half.
At bumagsak ang kanilang laro bunga ng pagkawala ng focus ng import na si Mark Davis. Abay wala na ngang depensa si Davis, nawala pa ang kanyang opensa. At kung anu-ano ang kanyang pinag-gagawa.
Sa kabuuan, si Davis ay nagbuslo lang ng pito sa 23 tira at nagkaroon ng walong errors. Naunahan pa nga niyang mag-foul out si Brown.
At ang nakakaasar pa kay Davis ay natawagan ito ng technical foul bago pa man magsimula ang fourth quarter nang pumasok ito nang hindi nagpapaalam sa table officials. Biruin mong hindi pa nag-uumpisa ang fourth quarter ay nakalamang na ang Purefoods sa pamamagitan ng dalawang free throws ni Alvin Patrimonio.
At sa ilalim ng amateur rules ay personal foul ang technical foul na iyon. Kaya naman nagulat si Davis nang malaman niyang fouled out siya bago matapos ang laro. Akala niya ay apat pa lang ang kanyang fouls dahil hindi niya nabilang ang technical na iyon.
Ani Black ay nagtaka din siya sa pagbabago ng laro ni Davis. Kinausap naman daw niya ito sa halftime at maging habang ongoing ang second half. Ang instructions niya ay ipasa lang kay Thomas ang bola pero nagbuwaya si Davis.
Hanggang sa matapos ang laro ay hindi nagsalita si Davis. Parang hindi niya narinig ang lahat ng sinabi ni Black.
Baka bilog na naman ang buwan at nagbabago si Davis. Aba, may problema ang Sta. Lucia kapag nagkataon.