Halos wala nang epekto ang resulta ng labanan sa Tigers at Phone Pals dahil pareho na itong nakakasiguro ng twice-to-beat advantage na ipinagkakaloob sa top four teams sa eight-team quarterfinal phase.
Umangat ng husto si Hale na kumamada ng 42 puntos para sa Tigers bukod pa sa kanyang 10-rebounds at 6 assists na naging dahilan ng ikawalong panalo ng Coca-Cola sa kabuuang 11 laro sa eliminations.
Nauwi lamang sa wala ang pinaghirapang triple double ni Jerald Honey-cutt na nagtala ng 21 puntos, 13 rebounds at 11assists sanhi ng ikalawang pagkatalo ng Phone Pals sa 10 pakikipaglaban.
Pinangunahan ni Hale ang eksplosibong 14-6 run sa bungad ng ikaapat na quarter upang ibandera ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa 12 puntos, 87-75 patungong huling 5:23 oras ng labanan.
Hataw agad sina Hale at Rossell Ellis sa unang bahagi pa lamang ng labanan sa kanilang pi-nagsamang 39-puntos upang ihatid ang Coca-Cola sa 54-44 kalama-ngan sa halftime.
Sa ikalawang laro, hindi ininda ng Barangay Ginebra ang kakulangan nila sa tao makaraang igupo ang Batang Red Bull, 98-90.