^

PSN Palaro

4 Pinoy pumasok sa gold medal round

-
KAUNAS, Lithuania -- Eksplosibong panalo ang muling kinana ng Team Philippines kontra sa mga rising stars sa Europe nang apat na fighters ang makarating sa gold medal round ng Algirdas Socikas International Boxing Championships dito noong Biyernes.

Muling nagpamalas ng matikas na laban si Harry Tanamor, 2002 world championship bronze medalist at gold medal winner sa Azer-baijan tournament noong nakaraang buwan nang kanyang gulantangin ang Frenchman Redouane Asloum para sa 24-6 pamamayani sa lightflyweight semifinals.

Ito ay sinundan ng 21-anyos na si Violito Payla, isang army mula sa Cagayan de Oro City at gold medal winner sa Azerbaijan nang kanyang patigilin si Latvia’s Samoilavs Jevgenis sa pamamagitan ng referee-stopped contest (RES-Outclassed) sa 1:10 minuto ng second round kung saan ang iskor ay 17-2 ng kanilang flyweight class bout.

Hindi rin nagpahuli ang lightweight na si Anthony Igusquiza, ipi-nagmamalaki ng Malinao, Aklan nang kanyang sundan ang ipinos-teng RSC-Retired decision sa quarterfinals sa pamamagitan ng kan-yang 23-14 pamamayani laban sa mapanganib na si Evgeni Mytsov ng Team A ng Russia.

Ang ikaapat na semifinals na panalo ng bansa ay mula naman sa lighthwelterweight na si Romeo Brin nang kanyang dominahin ang laban kontra Guido Ringmann ng Germany mula sa simula hanggang sa katapusan ng round para sa 20-12 tagumpay.

Ang four-four feat na naitala ng Team Philippines ay nagpahanga kay Manny Lopez, pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philippines kung saan kanyang binati ang bawat isa at nangakong magbibigay ng insentibo kung makapag-uuwi ang apat ng medalyang ginto.

"Out of the six boxers, four made it to the finals that’s not bad," ani Lopez. "To be in the finals of this tournament which has gathered emerging stars from Europe is a feat in itself."

Ang natatanging nasibak sa six-man RP team na ang kanilang pag-lahok ay sponsored ng Philippines Sports Commission, Pacific Heights at Revicon ay sina bantamweight Vincent Palicte na natalo sa Lithuanian at featherweight Roel Laguna na yumukod naman sa quarterfinals sa isang Russian fighter.

"Maganda na ang ipinapakita ng mga bata, Hindi basta-basta ang mga kalaban dito mga Germans, Russians at Bulgarians. So far, so good," pahayag naman ni National coach Nolito "Boy" Velasco na inaasistihan ni dating National boxer Pat Gaspi.

ALGIRDAS SOCIKAS INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIPS

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANTHONY IGUSQUIZA

EVGENI MYTSOV

FRENCHMAN REDOUANE ASLOUM

GUIDO RINGMANN

HARRY TANAMOR

MANNY LOPEZ

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with