RP Youth yuko sa John-O Juzz
April 13, 2002 | 12:00am
Nakabangon ang John-O Juzz sa nakaraang pagkatalo nang kanilang pasadsarin ang RP Youth team sa pamamagitan ng 85-71 panalo sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum kaha-pon.
Tinabunan ng John-O Juzz ang kanilang 69-73 pagkatalo sa Shark Energy Drink noong Abril 5 upang iposte ang ikalawang panalo sa tatlong pakikipaglaban. Namayani ang Juicers sa kanilang unang asignatura nang kanilang maungusan ang Ana Freezers, 102-101 noong Abril 3.
Maagang kinontrol ng John-O ang laro upang dominahin ang laban at ipalasap sa RP Juniors team na nagsasanay para sa Southeast Asian Basketball Association Juniors Basketball Championships na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo.
Ibinaon ng John-O Juzz ang RP Youth ng 20-puntos, 57-37 sa ikalawang quarter matapos kumawala sa ikalawang quarter nang kanilang palobohin ang 28-20 bentahe sa 18-puntos na kalamangan pagsapit ng halftime, 57-39.
Pinangunahan ni Bong Salvador ang John-O sa kanyang tinapos na 16-puntos na sinegundahan ni Froilan Baguion ng 11 puntos.
Nasayang lamang ang 17 at 16-puntos nina Jobe Nkemakolam at Fernandez, ayon sa pagkakasunod bunga ng pagkatalo ng RP-Youth na nabigong makabangon sa 72-101 pagkatalo laban sa Kutitap Toothpaste. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended