^

PSN Palaro

Lithuanian boxer bagsak sa 'killer punch' ni Igusquiza

-
KAUNAS, Lithuania--Isang killer punch ang inilabas ni lightweight Anthony Igusquiza sa second round upang pigilan si Danas Peciu-konis ng Lithuania nang isiguro mismo ng Team Philippines ang hindi bababa sa apat na bronze medals noong Huwebes sa semifinals ng sixth Algirdas Socikas International Boxing Championships dito.

Dominado ni Igusquiza, mula sa Malinao, Aklan ang laban sa kanyang mga solidong straights na tumama sa mukha ng kalaban na Lithuanian upang maitala ang Referee-Stopped Contest (RES-Retired) sa pagtatapos ng naturang round.

Agad na itinala ng 25-anyos na miyembro ng Army ang 10-puntos na kalamangan sa second round bago ipinatigil ang kanilang laban ng Lithuanian corner na sumalba sa pagkatalo nina featherweight Roel Laguna at bantamweight Vincent Palicte sa quarterfinals.

Natalo si Laguna sa fleet-footed Russian Alexei Tichtchenko, 12-20 ang kauna-unahang laban ng Filipinos sa tatlong araw na tournament na sinalihan ng 16 National teams.

Lamang naman si Palicte, kasalukuyang nagpapagaling ng kanyang kaliwang pulso ng tatlong puntos sa first round at lumobo ito sa limang puntos pagsapit ng ikalawang round nang magsimulang sumakit ang kanyang pulso na dahilan ng kanyang pagkatalo.

Umusad si Igusquiza sa semifinals sa Biyernes, habang nakakuha naman ng byes sina lightweight Harry Tanamor, flyweight Violito Payla at lightwelterweight Romeo Brin.

"We’re on track," ani boxing head Manny Lopez. "We didn’t expect much from Palicte because had an injury. Expect a lot of action in the semifinals because our boys will be up against strong opponents."

Ang paglahok ng Filipinos na ginastusan ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Revicon ay bahagi ng kanilang anim na buwang buildup para sa Asian Games sa Setyembre.

Naglabas ang 25-anyos na si Igusquiza ng 1-2 kumbinasyon at kanyang binigyan ng solidong straight ang Lithuanian para sa mandatory 8-count sa second round.

Ipinagpatuloy ni Igusquiza ang kanyang pamatay na suntok upang palakihin ang kanyang kalamangan sa 10 puntos na nagpuwersa sa Lithuanian coach na sumenyas sa referee upang tapusin na ang nasabing laban bago pa man magsimula ang third round.

Nagpakitang gilas agad si Palicte sa unang round pa lamang nang abantehan ang kanyang Lithuanian na kalaban ng tatlong puntos. Ang kanyang bentahe ay lumaki sa limang puntos sa second round bago magsimula ang pananakit ng kanyang kaliwang pulso na naging daan ng kanyang 20-13 kabiguan.

vuukle comment

ALGIRDAS SOCIKAS INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIPS

ANTHONY IGUSQUIZA

ASIAN GAMES

DANAS PECIU

HARRY TANAMOR

IGUSQUIZA

KANYANG

MANNY LOPEZ

PALICTE

ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with