^

PSN Palaro

RP pugs pinahirapan sa biyahe patungo Lithuania

-
KAUNAS, Lithuania -- Dumating na dito ang pagod sa biyaheng Team Philippines noong Miyerkules mula Helsinki makaraan ang apat na ulit na pagpapalit ng eroplano at 19-oras na biyahe na kinabibilangan ng tatlong flights na na-delay upang sumabak sa 2002 Algirdas Socikas Boxing Championships sa Baltic country, isa sa pinaka-progresong republika ng dating Soviet Union.

Lalaban ang six-man boxing team na sponsored ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Revicon sa anim na mas mababang weight divisions ng 12-event competitions na nilahukan ng 83 boksingero mula sa 16 national teams.

"Definitely, this tournament is tougher than the Gee Bee tournament in Helsinki because stronger boxers from Russia, Germany, Bulgaria and other Eastern European countries are competing here," ani Manny Lopez, boxing chief at de legation head.

Nakasungkit ang Team Philippines ng isang medalyang ginto mula kay flyweight Violito Payla, tatlong silvers mula kina flyweight Harry Tanamor, featherweight Roel Laguna at lightwelterweight Romeo Brin at isang bronze hatid ni lightweight Anthony Igusquiza upang tumapos ng respetadong ikaapat na puwesto sa Helsinki tournament noong nakaraang linggo. Tanging si bantamweight Vincent Palicte ang di nakarating sa medal round.

Ang RP delegation ay dumanas ng hindi magandang karanasan sa kanilang biyahe mula sa Helsinki patungong Lithuania, makaraang ang Manila travel agency ay i-booked sila sa Northern Europe para sa kanilang biyahe sa Lithuania sa Eastern Europe na iniulat na nagtipid ng gastos.

Kinailangan ni Lopez na humingi ng tulong mula sa travel agencies at boxing organizers sa Helsinki at Lithuania nang hindi mai-booked ang seven-members ng koponan patungong Helsinki-Paris-Oslo flight.

Pinabayaan rin ng nasabing travel agencies ang team officials na i-book ang buong team patungong Oslo-Lithuania flight at sa kanilang pagbabalik mula Lithuania-Hamburg, Germany sa Abril 14. Mula sa Hamburg ang team ay muling lilipad sa Paris para sa kanilang biyahe pabalik sa Manila.

Kinailangan rin ni Lopez na gamitin ang kanyang credit card upang maayos ang halagang US$3,234 na siyang nire-required ng travel agency sa Lithunaia para sa Oslo-Kaunas-Hamburg connecting flights.

Ang pairings ay gaganapin sa Huwebes ng umaga, habang ang unang bahagi ng quarterfinals ay idaraos kinahapunan. Ang ikalawang session ay gaganapin naman kinagabihan.

ALGIRDAS SOCIKAS BOXING CHAMPIONSHIPS

ANTHONY IGUSQUIZA

EASTERN EUROPE

EASTERN EUROPEAN

GEE BEE

HARRY TANAMOR

KINAILANGAN

LOPEZ

MULA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with