FedEx inangkin ang ika-4 slot
April 12, 2002 | 12:00am
Eksplosibong laro ang ipinamalas ni Jermaine Walker upang pangunahan ang FedEx sa 75-71 panalo kontra sa RP Team-Hapee at ipagkaloob sa Express ang ika-apat na quarterfinal ticket ng Samsung-PBA Governors Cup sa Makati Coliseum.
Tumapos si Walker ng 37 puntos, 17 puntos nito ay sa ikatlong quarter bukod pa sa 10 rebounds at 2 assists para sa ikatlong sunod na panalo ng FedEx, ikaanim sa kabu-uang 10 laro para samahan sa susunod na round ang Coca-Cola (7-3), Purefoods (7-2) at Talk N Text (8-1) na nakasisiguro na ng slot sa Top Four na may biyayang twice-to-beat sa eight-team quar-terfinals.
Sinikap sabayan ni Mick Pennisi ang mainit na paglalaro ni Walker nang banderahan nito ang 18-9 run sa ikaapat na quarter upang burahin ang 59-53 bentahe ng FedEx at iposte ang 71-69 kalamangan ng Hapee, 3:45 ang oras sa laro ngunit napako na rito ang iskor ng RP squad.
Umiskor si import Tim Moore ng three-point play upang itabla ang iskor na sinundan ng long jumper ni Jerry Codiñera at tinapos ni Walker ang 7-0 produksiyon bilang final score, 41 segundo ang nalalabing oras sa laro na kanilang pinangalagaan at iselyo ang tagumpay.
Bagamat naunahan ng RP-Hapee ang FedEx sa kaagahan ng labanan nang kanilang buksan ang laro sa pamamagitan ng siyam na puntos na kalamangan, nakabawi ang Express sa ikalawang quarter nang iposte rin nila ang 9 puntos na bentahe.
Matapos isara ang unang canto sa 22-21 kalamangan makaraang unti-unting upusin ang bentahe ng Express, isang 12-4 run ang pina-kawalan ng FedEx upang itala ang 34-25 kalama-ngan mula sa basket ni Moore.
Sa bungad ng laro, agad kumawala ang Hapee na umabante sa 14-3, gayunpaman, sa pangunguna ni Alvarez, isang 19-5 salvo ang isi-nagawa ng FedEx upang kunin ang 22-19 kalamangan.
Umiskor ng dalawang basket si Cariaso at triple naman mula kay Fernandez ang naglapit ng iskor sa 32-34 bago, isinelyo ni Friedhof ang halftime score sa 36-32 pabor sa Express.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest