Nilait ni Strothers ang referee makaraan na hindi tawagan ang inirereklamong foul sa kanya.
Ngunit hindi dito natapos ang init ng kanyang pagmamara-kulyo nang sipain pa nito ang bola at ang bench ng kanyang koponan at nagbanta pang magtapon ng utility box bago hinubad ang kanyang uniporme.
Bago pa rito, sa ikalawang bahagi ng laro ay nagsimula ng uminit ang kanyang ulo at muntik na rin itong makipag-away sa dumedepensang si Gerald Francisco ng Sta. Lucia.
Hindi nakayang pigilan ng kanyang ka-teammate na si Robert Duat maging ng assistant coach na si Siot Tanquincen at team manager Robert Non ang nagwawalang import.
Sa kabilang dako, binigyan naman ng technical at napatalsik sa laro si Bennett nang hubarin din niya ang kanyang uniporme at makisama sa kanyang kakampi sa paglait sa reperi.
Sa kaugnay na balita, iniimbestigahan din ni PBA commissioner Jun Bernardino ang naganap na away na kinabibilangan nina Sta. Lucia import Mark Davis at Victor Thomas at mga kakamping sina Noynoy Falcasantos, Omanzie Rodriguez, Richaerd Del Rosario at SMB import na si Bennett sa isang club sa Mandaluyong.
Ito ang magkaibang mithiin ng FedEx at RP-Hapee sa kanilang pag-sasagupa ngayon sa nag-iisang laro ng PBA Samsung Governors Cup na idaraos sa Makati Coliseum sa ganap na alas-6:00 ng gabi.
Bahagi ang Express sa three-way tie sa 5-4 record na kinabibilangan ng Batang Red Bull at defending champion Sta. Lucia Realty na pare-parehong nakakatiyak na ng play-off para sa ikawalo at huling quarterfinals slot.
Ang RP-Hapee naman ay kabilang din sa three-way logjam sa 4-5 record kasama ang Alaska Aces at San Miguel Beer.
Sa pamamagitan ng panalo ng FedEx ay kanilang sasamahan sa eight-team quarterfinals ang mga nakauna nang Coca-Cola Tigers (7-3), Purefoods TJ Hotdogs (7-2) at ang kasalukuyang lider na Talk N Text (8-1) na nakasisiguro na rin ng twice-to-beat advantage na pabuya sa top four teams pagkatapos ng eliminations.
Magiging puhunan ng Express ang kanilang back-to-back na panalo, ang huli ay kontra sa Purefoods TJ Hotdogs na kanilang pinasadsad sa pamamagitan ng 89-75 tagumpay noong Biyernes sa Ynares Center. (Ulat ni CVOchoa)