Nahaharap sa mabigat na pagsubok ang defending champion Wangs Ballclub mula sa mga bigating koponan na kinabibilangan ng Boysen Paints, Homer-Mercado Builders, La Union All-Stars, Spring Cooking Oil, Plainview Home Care, Hoopdrill, Prudential Assurance at The Philippine Star.
Lahat ng koponan ay lalahok sa open competition division. Ang lahat ng interesadong commercial at collegiate teams ay maaaring makipag-ugnayan kay George Palaran, MBL Project director sa telepono bilang 241-0180 o 0918-3433111.