Gold kay Payla
April 10, 2002 | 12:00am
Ibinigay ni Violito Payla ang natatanging medalyang ginto ng bansa matapos na talunin ang kababayang si Harry Tanamor at ihatid ang Team Philippines sa respetadong pagtatapos na ikaapat na puwesto sa 12-bansang lumahok sa 21st Gee Bee International Amateur Boxing Championships dito noong Linggo.
Umiskor si Payla ng magaang na panalo kontra sa kaliweteng si Tanamor na hindi man lamang nakapagpatama ng matinding suntok ang kanyang kaliwang kamay matapos na magtamo ng injury ang kanyang pulso sa semifinals, isang araw bago dumating ang finals.
Upang maiwasan na lumala ang injury ni Tanamor, minabuti na lamang ni boxing chief Manny Lopez na i-default ang kanyang laban.
At dahil sa impresibong pagwawagi ni Tanamor sa quarterfinals nang kanyang itala ang (RSC-Outclassed, 2nd) at semifinals (18-3) makaraan ang apat na rounds, siya ay iaakyat na ng susunod na rank mula pagiging lightflyweight.
Si Payla ay tumanggap ng Best Fight para sa kanyang pananaig kontra Tanamor.
Ang panalo ni Payla, nagbulsa rin ng gold sa Chowdry Cup noong nakaraang buwan ang siyang tumabon sa kabiguan nina featherweight Roel Laguna kontra sa Finlands Jussi Koivula (8-15) at lightweight Romeo Brin kontra Bulgarian Dimitar Stilianov (0-20).
Ang natatanging bronze ay nagmula naman kay lightweight Anthony Igusquiza na nabigo sa semifinals. Sumablay naman ang bronze sa mga kamay ni bantamweight Vincent Palicte nang mabigo sa quarterfinal sanhi ng kontrobersiyal na dalawang puntos na kabawasan.
"These European tournaments are designed to expose you to strong competition--similar to what you encounter in the Asiad," ani National coach Nolito "Boy Velasco. "You must strengthen your self-confidence here dapat buo ang loob nin-yong lalaban sa mga Thais, Koreans at Kazakhs in the Asiad."
Lumipad ang National boxers sa Lithuania upang sumabak naman sa Socikas International tournament na nakatakda ngayong Abril 10-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended