^

PSN Palaro

Morano, PBAPC Player of the Week

-
Nagposte si Ato Morano ng kanyang career-high sa Philippine Basketball Association at pagkatapos nito’y umiskor ng mahalagang triple upang ihatid ang Coca-Cola Tigers sa dalawang sunod na panalo sa kasalukuyang Samsung Governors Cup.

Tumapos si Morano ng 17-puntos, kabilang ang impresibong 5-of-7 three-point shooting upang suportahan si import Rossell Ellis sa kanilang 96-77 pananalasa sa Batang Red Bull noong Abril 4 sa Makati Coliseum.

Pumukol naman ito ng krusiyal na tres sa huling 37 segundo ng labanan upang kumplementuhan ang eksplosibong paglalaro ni import Ron Hale na naglaro kahit di pa nawawalan ng epekto ng simpleng kaso ng food poisoning.

Ang tres na ito ang naging tuntungan ng Tigers sa kanilang 70-66 panalo kontra sa RP Team -Selecta na nagbigay sa Coca-Cola ng kanilang ika-pitong panalo sa 10-pakikipaglaban.

Dahil dito, si Morano ang naging boto ng lahat ng mga miyembro ng PBA Press Corps na kumokober ng mga laro, para sa Player of the Week citation para sa linggong Abril 1-7.

Dahil sa panalong ito ay posible na itong magkaloob sa Tigers ng twice-to-beat ticket sa 8-team quarterfinal phase ngunit para wala na itong kawala ay kailangan na lamang nila ng isang panalo para ma-pormalisa ito.

Si Morano ay sumikat sa Metropolitan Basketball Association bago ito kunin ng Coca-Cola sa PBA. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ABRIL

ATO MORANO

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

DAHIL

MAKATI COLISEUM

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

MORANO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with