^

PSN Palaro

RP Youth tinuruan ng Leksiyon

-
Tinuruan ng Kutitap ng leksiyon ang guest team RP Youth Team nang kanila itong pasadsarin sa pamamagitan ng 101-72 pananalasa upang ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa PBL Chairman’s Cup sa Caruncho gym sa Pasig kahapon.

Agad kumawala ang Teeth Sparklers sa unang quarter pa lamang upang kontrolin ang laro kung saan kanilang tinambakan ng 36 puntos ang Juniors men’s team ng bansa na nagsasanay para sa kanilang paglahok sa Southeast Asian Basketball Association Jrs. Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre.

Ang 15-14 bentahe ng Kutitap ay lumaki sa 27-18 sa pagtatapos ng unang canto nang pangunahan nina Mark Saquilayan at Christian Luanzon ang isang 12-4 run at mula rito’y di na muling pinaporma pa ang Youth team.

Sa pangunguna nina Cyrus Baguio, Allan Salangsang at Niño Gelig na tumapos ng 17, 16 at 14-puntos, ayon sa pagkakasunod, naibandera ng Kutitap ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa 88-52, 8:15 ang oras sa ikaapat na quarter mula sa layup ni Jaymar Rivera. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

CARMELA V

CHRISTIAN LUANZON

CYRUS BAGUIO

JAYMAR RIVERA

KUALA LUMPUR

KUTITAP

MARK SAQUILAYAN

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION JRS

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with