All-Pinoy finals para makasiguro ng ginto
April 9, 2002 | 12:00am
Kapwa hindi binigyan ng pagkakataon nina Violito Payla at Harry Tanamor ang kani-kanilang karibal na may kalakasan din kung saan kanila itong binugbog ng husto upang isaayos ang all-Filipino title clash para sa flyweight division ng 21st Gee Bee International Amateur Boxing Championships dito noong Sabado.
Hindi man lamang nainitan ang mga manonood na kinailangang magsuot ng makapal na damit upang panlaban sa napakalamig na simoy ng hangin sa loob ng Helsinki Sports Hall nang umiskor ang dalawang Pinoy pugs ng magaan at lopsided na panalo sa tatlong araw na meet na ito.
Hindi man lamang pinayagan ni Payla, isang lehitimong flyweight na makaporma ang kanyang kalaban upang maiwasan ang hometown decision makaraang walisin si Finlands Pasi Silvennoinen, 18-4 sa unang semifinal bout ng araw na iyon.
Nagawa namang tapatan ni Tanamor, isang lightflyweight na kinailangang sumabak sa flyweight division makaraan ang kanyang event ay alisin sa kalendaryo dahil sa kakulangan ng lahok ang eksperiyensadong kalaban na si Andrei Bogdanov ng Russian Team, 18-3.
Kusang umilaw ang computer statistician upang itigil na ng referee ang laban sa pagsasara ng second round dahil sa 15-point rule, isang bagong safety measure na kahalintulad sa 10-run mercy rule sa baseball.
Hindi naman nasiyahan si Manny Lopez, boxing chief at delegation head sa ginawang pagtaas ng referee sa mga kamay ni Tanamor dahil gustong makita ng mga hometown crowd ang unang pagbagsak ng Flying Finns.
Nakapasok rin sa finals sina featherweight Roel Laguna at lightwelterweight Romeo Brin upang isiguro sa Team Philippines ang isang gold, tatlong silver at bronze mula sa six-man team na suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Revicon.
Tinalo ni Laguna si Dontsho Gadsev ng Bulgarian team, 18-8, habang ginamit naman ng 28-gulang na si Brin ang kanyang malalim na karanasan upang sibakin si Lee Beavis ng England, 25-13.
Yumukod naman si Anthony Igusquiza sa Sydney Olympics silver medalist Aleksander Maletin ng Russia, 25-10.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended