Hale bayani ng Coca-Cola Tigers
April 8, 2002 | 12:00am
Tumapos si Ron Hale ng 26-puntos, 5 rebounds at 4 assists para sa Coca-Cola Tigers tungo sa kanilang 70-66 panalo kontra sa RP Team-Selecta sa pagpapatuloy ng eliminations ng Samsung-PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Kung titingnan ay normal ang produksiyong ito para sa import na may average na 28.8 points per game, 9.2 rebounds, 5 assists kada laro, ngunit hindi ito karaniwan sa isang import na kagagaling lamang sa ospital bunga ng food poisoning.
Dahil sa kinain na salmon at hipon sa isang restaurant sa Megamall, nagsukat tae si Hale na siyang dahilan para ma-confine sa Medical City at lumabas lamang ito ng alas-8 ng umaga kahapon para sa kanilang laro.
"Before the start of the game, napag-usapan namin that if we wanted to win the game, were not gonna do it with Hale," pahayag ni Tigers coach Chot Reyes. "But I didnt expect Hale to play like this. Kalalabas lang niyan from the hospital and in fact babalik uli siya kasi na-dehydrate yan."
Umiskor si Hale ng 14-puntos sa ikapaat na quarter kung saan hang-gang sa huling minuto ng labanan dikit ang iskor kundi lamang bumigay ang RP-Selecta sanhi ng kanilang ikapitong pagkatalo sa 10-laro.
Sa ikalawang laro, iginupo ng Sta. Lucia Realty ang San Miguel Beer, 73-65. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended