Pinal nang susuportahan ng Airfreight 2100 ang Tour ng Pilipinas

Pinal na.

Muling ibabalik ng Airfreight 2100-FedEx Philippines ang Tour, ang annual summer spectacle on wheels ng bansa simula sa susunod na taon.

Ito ang inihayag kamakailan ni Bert Lina, chairman ng Airfreight 2100-FedEx Philippines matapos na magbigay ng kasiguraduhan na kanilang bubuhayin ang karera ng bisikleta sa lansangan.

Ang nasabing cycling marathon ay kikilalanin sa pangalang FedEx Express Tour.

Bilang panimula, magkakaroon ng isang dry run na gaganapin sa Mayo 16-19 sa palibot ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) area na magtatapos sa Luneta. Ang apat na araw na karera ay lalahukan ng hindi bababa sa 10 provincial teams, habang ang mga national riders ay ikakalat sa mga koponan bilang reinforcements.

Show comments