Adamson, SJC belles at CCP, NCBA pasok sa top 16 ng Nestea Beach Volleybal
April 7, 2002 | 12:00am
Kapwa naitala ng mga kababaihan ng Adamson University, St. Jude College at kalalakihan ng Central Colleges of the Phils. at National College of Business and Arts ang kanilang ikatlong panalo upang makasiguro ng puwesto sa top 16 sa pagpapatuloy ng eliminations ng 6th Nestea Beach Volley University Championships sa La Salle Greenhills kahapon.
Pinabagsak ng Lady Falcons na sina Kristine Anne Dave at Ailane Quina ang duo nina Ropalyn at Raquel Ordonez ng College of St. Benilde 21-13 habang iginupo ng St. Jude ang National University, 21-10 upang magkapag-asa sa Boracay finals sa Mayo 11.
Inangkin naman ng CCP duo ang isang puwesto sa quarterfinals makaraang gapiin ang DLSU, 21-14 at pinataob ng NCBA ang Mapua, 21-15.
Bahagyang nabigyan ng tsansa ang koponan ng aktres na si Isabel Granada makaraang magwagi ang PATTS kontra kina Eden Fundal at Rachel Florentino ng PSCA, 21-17 sa isang come-from behind na panalo.
Ang top 16 teams sa mens at womens division ay mag-lalaban-laban ngayon para sa pagkuha ng top 4 teams na makakasama sa Boracay Finals.
Makakalaban nila ang top 4 teams sa Luzon, Visayas at Mindanao teams na naka-takdang dumaan sa eliminations sa Abril 13-15 sa La Salle Greenhills.
Ang iba pang mga nag-wagi sa kababaihan ay ang Rizal Technical University, Fatima, University of the Philippines at PMI habang sa mga kalalakihan naman ay ang AMACC, RTU, PMI, MLQU, Jose Rizal University at St. Jude College.
Ang tambalang magka-kampeon sa torneong ito ay tatanggap ng P100,000 pa-premyo habang may makukuha din ang paaralan na P50,000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended