Gregorio at Bayno
April 6, 2002 | 12:00am
Iba talaga kung ang mga players ay buong-buo ang pagtitiwala sa kanilang coach. Parang mas madaling manalo kapag ganito ang sitwasyon, eh.
Kasi nga, kapag tiningnang maigi ang mga koponan sa kasalukuyang Samsung-Governors Cup ay masasabing halos parehas ang lakas ng mga ito dahil lahat silay nagpahiram ng mga players sa Candidates Pool para sa Philippine Team na lalahok sa Busan Asian Games sa darating na Setyembre.
Pero bakit nangunguna ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs? Sina Andy Seigle, Noy Castillo at Boyet Fernandez. Abay hindi basta-basta ang mga players na ito subalit kahit paanoy nagawan ni Gregorio ng paraan upang hindi ma-miss ang serbisyo nila.
Ang maganda kay Gregorio ay iginagalang siya ng mga players niya kahit bata siya. (Siyanga pala, magdiriwang ng kanyang kaarawan si Gregorio bukas, April 7 at sanay maging masaya ang kanyang celebration.)
Kasi nga, alam ni Gregorio kung paanong pakitunguhan ang kanyang mga players. Maraming nagsasabing mahirap yatang i-coach ang four-time Most Valuable Player na si Alvin Patrimonio pero anot sa sistema ni Gregorio ay hindi kabilang sa first five si "Captain"? Paano niya naipaliwanag kay Alvin ito? Doon lang ay makikita na kung paano gumamit ng diplomasya si Gregorio.
Idagdag pa diyan ang pakikitungo niya sa mga imports na sina Derrick Brown at Leonard White. O ang pagbabangko niya sa malalaking players na tulad nina Bonel Balingit at Chris Cantonjos. Abay mahirap desisyunan ang mga bagay na iyan, ha!
Pero tinatanggap ng lahat ng manlalaro ng Purefoods ang desisyon ni Gregorio kung kayat maganda ang itinatakbo ng team.
Ganoon din ang nangyayari sa Talk N Text. Tanggap na tanggap ng Phone Pals ang Amerikanong si Billy Bayno na pumalit sa nagbitiw na si Louie Alas.
Maraming nagsasabing dahil sa ipinahiram ng Phone Pals ang Fil-Tongan na si Paul Asi Taulava sa National pool, mahihirapan na ang Talk N Text. Kasi nga, si Taulava ang heart and soul ng team. Pero anot nagawa ng Phone Pals na magposte ng anim na sunod na panalo matapos na matalo sa Purefoods sa unang laro nila?
Malaki ang kontribusyon ng mga imports na sina Jerald Honeycutt at Richie Frahm sa team subalit hindi maitatatwang malaking tulong din ang naibibigay ng mga locals, lalo na ni Victor Pablo, na hindi pa umiskor ng mas mababa sa sampung puntos.
At kung si Pablo ang gagawing halimbawa, makikitang ibang-iba ang laro niya ngayon kaysa noong isang taon sa ilalim ni Alas. Lumabas muli ang kanyang husay dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ni Bayno. Kung noong isang taon ay nais nyang lisanin ang Talk N Text, ngayon ay hindi na niya iniisip pa iyon.
Tingnan nga natin kung hanggang saan aabot ang Hotdogs at Phone Pals. Sila kaya ang magduduwelo sa championship round?
PERSONAL. Maraming-maraming salamat sa mga nakaalalang bumati sa akin noong Miyerkules nang magdiwang ako ng kaarawan. Salamat kay Ogie Villanueva, manager ng Sunrose Chicken Rodriguez Branch dahil sa napagbigyan tayo kahit na expired na ang gift certificate natin.
Kasi nga, kapag tiningnang maigi ang mga koponan sa kasalukuyang Samsung-Governors Cup ay masasabing halos parehas ang lakas ng mga ito dahil lahat silay nagpahiram ng mga players sa Candidates Pool para sa Philippine Team na lalahok sa Busan Asian Games sa darating na Setyembre.
Pero bakit nangunguna ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs? Sina Andy Seigle, Noy Castillo at Boyet Fernandez. Abay hindi basta-basta ang mga players na ito subalit kahit paanoy nagawan ni Gregorio ng paraan upang hindi ma-miss ang serbisyo nila.
Ang maganda kay Gregorio ay iginagalang siya ng mga players niya kahit bata siya. (Siyanga pala, magdiriwang ng kanyang kaarawan si Gregorio bukas, April 7 at sanay maging masaya ang kanyang celebration.)
Kasi nga, alam ni Gregorio kung paanong pakitunguhan ang kanyang mga players. Maraming nagsasabing mahirap yatang i-coach ang four-time Most Valuable Player na si Alvin Patrimonio pero anot sa sistema ni Gregorio ay hindi kabilang sa first five si "Captain"? Paano niya naipaliwanag kay Alvin ito? Doon lang ay makikita na kung paano gumamit ng diplomasya si Gregorio.
Idagdag pa diyan ang pakikitungo niya sa mga imports na sina Derrick Brown at Leonard White. O ang pagbabangko niya sa malalaking players na tulad nina Bonel Balingit at Chris Cantonjos. Abay mahirap desisyunan ang mga bagay na iyan, ha!
Pero tinatanggap ng lahat ng manlalaro ng Purefoods ang desisyon ni Gregorio kung kayat maganda ang itinatakbo ng team.
Ganoon din ang nangyayari sa Talk N Text. Tanggap na tanggap ng Phone Pals ang Amerikanong si Billy Bayno na pumalit sa nagbitiw na si Louie Alas.
Maraming nagsasabing dahil sa ipinahiram ng Phone Pals ang Fil-Tongan na si Paul Asi Taulava sa National pool, mahihirapan na ang Talk N Text. Kasi nga, si Taulava ang heart and soul ng team. Pero anot nagawa ng Phone Pals na magposte ng anim na sunod na panalo matapos na matalo sa Purefoods sa unang laro nila?
Malaki ang kontribusyon ng mga imports na sina Jerald Honeycutt at Richie Frahm sa team subalit hindi maitatatwang malaking tulong din ang naibibigay ng mga locals, lalo na ni Victor Pablo, na hindi pa umiskor ng mas mababa sa sampung puntos.
At kung si Pablo ang gagawing halimbawa, makikitang ibang-iba ang laro niya ngayon kaysa noong isang taon sa ilalim ni Alas. Lumabas muli ang kanyang husay dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ni Bayno. Kung noong isang taon ay nais nyang lisanin ang Talk N Text, ngayon ay hindi na niya iniisip pa iyon.
Tingnan nga natin kung hanggang saan aabot ang Hotdogs at Phone Pals. Sila kaya ang magduduwelo sa championship round?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am