^

PSN Palaro

Aksiyon sa MBA di-dribol sa Cebu

-
CEBU CITY-Kontrolin ang tambalang Chris Clay at Romel Adducul.

Ito ang plano ng Cebuana Lhuillier Gems sa kanilang nakatakdang pakikipagharap sa Osaka Pangasinan Waves sa alas-6 ng gabi ngayon sa pagbubukas ng First Conference ng MBA sa Cebu City Coliseum.

Ayon kay coach Francis Rodriguez ng Gems, kung magagawa nilang malimita ang produksiyon ng 1-2 punch ng Waves, magiging matagumpay ang kanilang debut game.

Subalit, naniniwala naman si Waves mentor Lawrence Chongson na hindi lang sa dalawang nabanggit nakasentro ang kanilang game plan.

Nasa plano ng Waves na gamitin ang kanilang height advantage upang matapatan ang Gems na siguradong babanderahan nina Stephen Padilla, Bruce Dacia at Jercules Tangkay.

Sa katunayan, balak ni Chongson na isabak ang kanyang malalaking starting unit na binubuo ng 6-foot-6 na si Adducul, 6-4 na si Clay, 6-5 na si Bernard de Guia, 6-3 na si Kalani Ferreria at ang 6-2 na si Paul Du kontra sa Gems.

Mauuna rito, mapapasabak naman ang nagbabalik na Cagayan de Oro Amigos sa Professional Davao Eagles sa alas-3 ng hapon bilang pampagana.

BRUCE DACIA

CEBU CITY COLISEUM

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHRIS CLAY

FIRST CONFERENCE

FRANCIS RODRIGUEZ

JERCULES TANGKAY

KALANI FERRERIA

LAWRENCE CHONGSON

ORO AMIGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with