At sa organizational meeting kamakailan, nagtalaga ang POA ng isang set ng mga opisyales sa pangunguna ni Rafael Hechanova, miyembro ng 1952 Helsinki mens basketball team bilang chairman at Arturo Macapagal ng shooting team noong 1972 Munich at 1976 Montreal games bilang pangulo.
Ang iba pang naitalaga bilang charter officers ay sina Ral Rosario (swimming, 1972 Munich at 1976 Montreal) bilang secretary at Akiko Thomson (swimming, 1988 Seoul, 1992 Barcelona at 1996 Atlanta) bilang treasurer.
Itinalaga naman sa board sina Lydia de Vega-Mercado (athletics, 1984 Los Angeles at 1988 Seoul), Roel Velasco (boxing bronze medalist-1992 Barcelona), Bea Lucero-Lhuillier (taekwondo, bronze medalist, 1992 Barcelona), Tony Leviste (equestrian, 200 Sydney) at Ramon Aldea (archery, Munich 1992).
Magsisilbi naman si Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit, na siyang nanguna sa pagbuo ng POA bilang honorary president ng asosasyon.