^

PSN Palaro

Dakilang atletang Pinoy isasama sa POA

-
Ipapasailaim ang mga Pilipinong atleta na lumahok sa malalaking sporting competitions gaya ng Olympic Games sa ilalim ng Philippine Olympians Association (POA).

At sa organizational meeting kamakailan, nagtalaga ang POA ng isang set ng mga opisyales sa pangunguna ni Rafael Hechanova, miyembro ng 1952 Helsinki men’s basketball team bilang chairman at Arturo Macapagal ng shooting team noong 1972 Munich at 1976 Montreal games bilang pangulo.

Ang iba pang naitalaga bilang charter officers ay sina Ral Rosario (swimming, 1972 Munich at 1976 Montreal) bilang secretary at Akiko Thomson (swimming, 1988 Seoul, 1992 Barcelona at 1996 Atlanta) bilang treasurer.

Itinalaga naman sa board sina Lydia de Vega-Mercado (athletics, 1984 Los Angeles at 1988 Seoul), Roel Velasco (boxing bronze medalist-1992 Barcelona), Bea Lucero-Lhuillier (taekwondo, bronze medalist, 1992 Barcelona), Tony Leviste (equestrian, 200 Sydney) at Ramon Aldea (archery, Munich 1992).

Magsisilbi naman si Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit, na siyang nanguna sa pagbuo ng POA bilang honorary president ng asosasyon.

vuukle comment

AKIKO THOMSON

ARTURO MACAPAGAL

BEA LUCERO-LHUILLIER

CELSO DAYRIT

LOS ANGELES

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE OLYMPIANS ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RAFAEL HECHANOVA

RAL ROSARIO

RAMON ALDEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with