Haharapin ni Arevelo, naglaro ng tatlong ITF Juniors tournament nitong kaagahan ng taon ang fourth seed Elise Tamaela ng Netherlands na umiskor ng 6-4, 6-4 panalo kontra Indon Diana Julianto.
Ang panalo ni Arevalo ang siyang nagsalba sa kampanya ng bansa matapos na maagang napatalsik ang mga wild cards na sina Alyssa Labay, Bernardine Sepulveda, Ma. Edna Godoy at Fil-German Anja Peter.
Nabigo si Labay sa second seed at world No. 22 Silvana Bauer ng Netherlands, 1-6, 5-7; yumukod si Sepulveda sa sixth-ranked at world No. 50 Isha Lakhani ng India 1-6, 2-6; nalasap naman ni Godoy ang 1-6, 2-6 pagkatalo sa mga kamay ni Maya Rosa ng Indonesia habang sinibak ni Sandy Gumulya ng Indonesia si Peter, 2-6, 2-6.
Naligtasan ng defending champion at top seed Hsieh Suwei ng Chinese Taipei ang mahigpitang labanan sa second set kontra Francesca Flavell ng Great Britain, 6-1, 7-6 (4).
Makakaharap ni Hsieh, kasalukuyang No. 14 sa daigdig si Tiffany Wilford ng Australia na nanaig kontra sa kababayang si Daniella Dominikovic, 6-3, 6-3.