^

PSN Palaro

Arevalo umusad sa susunod na round ng Mitsubishi Lancer Netfest

-
Umusad ang 16-anyos na si Czarina Mae Arevalo ng Philippines sa girls singles second round matapos ang 6-4, 6-2 panalo kontra American Megan Falcon kahapon sa pagpapatuloy ng 13th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Haharapin ni Arevelo, naglaro ng tatlong ITF Juniors tournament nitong kaagahan ng taon ang fourth seed Elise Tamaela ng Netherlands na umiskor ng 6-4, 6-4 panalo kontra Indon Diana Julianto.

Ang panalo ni Arevalo ang siyang nagsalba sa kampanya ng bansa matapos na maagang napatalsik ang mga wild cards na sina Alyssa Labay, Bernardine Sepulveda, Ma. Edna Godoy at Fil-German Anja Peter.

Nabigo si Labay sa second seed at world No. 22 Silvana Bauer ng Netherlands, 1-6, 5-7; yumukod si Sepulveda sa sixth-ranked at world No. 50 Isha Lakhani ng India 1-6, 2-6; nalasap naman ni Godoy ang 1-6, 2-6 pagkatalo sa mga kamay ni Maya Rosa ng Indonesia habang sinibak ni Sandy Gumulya ng Indonesia si Peter, 2-6, 2-6.

Naligtasan ng defending champion at top seed Hsieh Suwei ng Chinese Taipei ang mahigpitang labanan sa second set kontra Francesca Flavell ng Great Britain, 6-1, 7-6 (4).

Makakaharap ni Hsieh, kasalukuyang No. 14 sa daigdig si Tiffany Wilford ng Australia na nanaig kontra sa kababayang si Daniella Dominikovic, 6-3, 6-3.

ALYSSA LABAY

AMERICAN MEGAN FALCON

BERNARDINE SEPULVEDA

CHINESE TAIPEI

CZARINA MAE AREVALO

DANIELLA DOMINIKOVIC

EDNA GODOY

ELISE TAMAELA

FIL-GERMAN ANJA PETER

FRANCESCA FLAVELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with