^

PSN Palaro

Aksyon sa PBL di-dribol ngayon

-
Magsisimula na ang aksiyon sa Philippine Basketball League sa pagbubukas ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Isang maiksi ngunit makahulugang opening ceremony kasunod ang tradisyunal na parada ng mga koponan sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Kasunod nito isasabak na sa aksiyon ang baguhang John-O Juzz kontra sa Ana Freezers sa pambungad na salpukan sa ganap na alas-4:15 ng hapon at sa pinakatampok na bakbakan naman maghaharap ang ICTSI-De La Salle kontra Blu Detergent bandang alas-6:15 ng gabi.

Di tulad ng mga nakaraang opening ceremony, walang stars at bonggang song and dance number na ipapalabas ngunit magkakaroon ng trilogy documentary ng PBL Prdouction Staff sa ilalim ng pamamahala ni Director Al Neri na katatampukan ng mga achievements ng PBL sa mga nagdaang taon.

Ang una ay katatampukan ng PBL legacy ng 12 manlalaro na naging superstars sa PBA tulad nina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera at Jojo Lastimosa na magpapahayag ng kanilang pakikipagbuno at epekto ng PBL sa Philippine basketball.

At ang ikalawang bahagi naman ay katatampukan ng mga future PBL legacy kung saan bibigyan pansin ang mga pangunahing produkto nila noong nakaraang season na kasalukuyang nasa PBA ngayon tulad nina Yancy de Ocampo, Ren Ren Ritualo, Jojo Manalo at Migs Noble.

Ang ikatlong serye naman ay tutuon sa mga bagong sensations na inaasahang magniningning ngayong PBL season.

Mabibigyan ng ideya ang mga PBL fans at spectators kung sinu-sino ang mga players na dapat bantayan at kung anong aksiyon ang kanilang masasaksihan. Kabilang sa mga inaasahang sisikat ay sina Ismael Junio at Clarence Cole ng Shark Energy Drinks, Ranidel de Ocampo ng John-O Juzz at Mike Cortez ng ICTSI-DLSU.

ALVIN PATRIMONIO

ANA FREEZERS

BLU DETERGENT

CLARENCE COLE

DE LA SALLE

DIRECTOR AL NERI

ISMAEL JUNIO

JOHN-O JUZZ

PBL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with