Unti-unti nang nagkakaroon ng porma ang Pampanga Stars para sa ikalimang edisyon ng Metropolitan Basketball Association.
"The players know one another better now, Weve found pour flaws ang made the necessary adjustments." pahayag ni Pampanga Stars team manager Allan Trinidad.
"We may not always win, but well be hard to beat," dagdag ni Trinidad na nagsabing gumawa na rin sila ng paraan para mabawasan ang bigat na dadalhin ni playing coach Ato Agustin. At sa ngayon maganda naman ang naging resulta.
" Whenever Ato is on the floor, assistant coach Romy Lopez takes care of the flow of things," aniya pa.
Ayon pa kay Trinidad, shooting ng 39 anyos na si Agustin ay hindi pa nawawala at bilang katunayan, kumana ito ng walo at anim na triples, ayon sa pagkakasunod sa kanilang huling dalawang laro sa Pampanga.
Ang pagdating ni US-honed Cris Guinto Jr. at Fil-Am Nate Payne ay nagpalakas din sa Stars.
Si Guinto ay may taas na 67 at isang banger na madaling makakapag-adjust sa professional play habang si Nate naman na may taas na 65 ay anak ng dating PBA import na si James Payne at handang matuto.
Dahil dito, tinatayang ma-taas na Pampanga Stars ang ipaparada sa pagbubukas ng torneo.
"For sure, well no longer be dwarfed inside the paint," ani Trinidad.
Ang iba pang malalaking tao ng Pampanga ay sina 66 Willy Mejia, 65 Egay Ignacio, 64 Dave Bautista, at 64 Billy Bansil.
Kukumpleto sa lineup ng Stars para sa MBA First conference na magsisimula sa Abril 6 ay sina Richie Melencio, Enrico Gascon, Ariel Garcia, Rolof Liangco, Jeffrey Cocjin at Vincent John Santos.