^

PSN Palaro

Pampanga Star handa na sa 5th edition ng MBA

-
Marahan pero sigurado.

Unti-unti nang nagkakaroon ng porma ang Pampanga Stars para sa ikalimang edisyon ng Metropolitan Basketball Association.

"The players know one another better now, We’ve found pour flaws ang made the necessary adjustments." pahayag ni Pampanga Stars team manager Allan Trinidad.

"We may not always win, but we’ll be hard to beat," dagdag ni Trinidad na nagsabing gumawa na rin sila ng paraan para mabawasan ang bigat na dadalhin ni playing coach Ato Agustin. At sa ngayon maganda naman ang naging resulta.

" Whenever Ato is on the floor, assistant coach Romy Lopez takes care of the flow of things," aniya pa.

Ayon pa kay Trinidad, shooting ng 39 anyos na si Agustin ay hindi pa nawawala at bilang katunayan, kumana ito ng walo at anim na triples, ayon sa pagkakasunod sa kanilang huling dalawang laro sa Pampanga.

Ang pagdating ni US-honed Cris Guinto Jr. at Fil-Am Nate Payne ay nagpalakas din sa Stars.

Si Guinto ay may taas na 6’7 at isang banger na madaling makakapag-adjust sa professional play habang si Nate naman na may taas na 6’5 ay anak ng dating PBA import na si James Payne at handang matuto.

Dahil dito, tinatayang ma-taas na Pampanga Stars ang ipaparada sa pagbubukas ng torneo.

"For sure, we’ll no longer be dwarfed inside the paint," ani Trinidad.

Ang iba pang malalaking tao ng Pampanga ay sina 6’6 Willy Mejia, 6’5 Egay Ignacio, 6’4 Dave Bautista, at 6’4 Billy Bansil.

Kukumpleto sa lineup ng Stars para sa MBA First conference na magsisimula sa Abril 6 ay sina Richie Melencio, Enrico Gascon, Ariel Garcia, Rolof Liangco, Jeffrey Cocjin at Vincent John Santos.

vuukle comment

ALLAN TRINIDAD

ARIEL GARCIA

ATO AGUSTIN

BILLY BANSIL

CRIS GUINTO JR.

DAVE BAUTISTA

EGAY IGNACIO

ENRICO GASCON

PAMPANGA STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with