Umabante din si 6th seed Robert Smeets ng Australia matapos patal-sikin si 3rd seed Hungarian Adrian Szatmary, 6-3, 6-0, habang ang second ranked na si Indian Divij Sharan ay tinalo si No. 7 Taiwanese Shi Chueh-Chan, 6-2, 6-3.
Kinumpleto naman ni 4th seed Australian Joel Kerley ang 32 man main draw nang patalsikin nito ang Pinoy na si Dino Ferrari, 6-1, 6-0.
Ang kumpetisyon sa main draw para sa babae at lalaki ay magsisimula ngayong alas-9:00 ng umaga.
Ang boys division ay binubuo nina world ranked No. 35 Michel Koning ng Netherlands bilang top seed, No. 39 Chris Kwon ng US, No. 45 Liu Tai-Weei at No. 51 Hsieh Wang-Cheng ng Chinese Taipei na seeded second hanggang fourth ayon sa pagkakasunod.
Sa mga kababaihan naman sasabak sa aksiyon sina defending champion world No.15 Hsieh Su-Wei ng Chinese-Taipei, No. 21 Silvana Bajer ng Netherlands, No. 27 Zsu Zsana Babos ng Hungary, No. 32 Elise Tamaela ng Netherlands, No. 38 Sania Mirza at No. 48 Isha Lakhani ng India, No. 73 Beier Ko ng Canada, No. 76 Chan Chi-Wei ng Chinese-Taipei, No. 84 Pichaya Laosirichon ng Thailand, No. 86 Darya Ivanov ng Australia at No. 89 Alexandra McGoodwin ng US.
Kakatawan naman sa bansa sa event na ito na ipiniprisinta ng Adidas at suportado ng Viva Mineral Water, Wilson Balls, Manila Midtown Hotel at PSC sina Czarina Mae Arevalo, at wild cards Charise Godoy, Bernardine Sepulveda, Alyssa Labay, Anja Peter sa girls at Yannick Guba, Joseph Arcilla at Ruben Gonzales sa boys division.