Pinoy netters namayani

Pinabagsak ni Pius Ocampo ng UAAP champion University of Santo Tomas si Alex Borela, 6-4, 6-2 upang pangunahan ang dalawang tatlong Pinoy na umusad sa ikalawang round ng boys’ singles qualifying ng 13th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang tagumpay ay nagtakda ng pakikipagharap ni Ocampo sa fourth seed Australian na si Joel Kerley na nakatakas sa mahigpit na hamon ni Taiwanese Ken Chao, 3-6, 6-4, 6-1.

Ang iba pang Filipino na nakalusot sa unang round ay sina RP Junior Davis Cup team member Nestor Celestino Jr. na nanalo kay Michael Adrian Basco, 6-1, 6-3 at Dino Ferrari na umiskor ng 6-3, 1-6, 7-5 panalo kontra kay Renato Bautista.

Nagsipagwagi rin nina second pick Indian Dijiv Sharan, third seed Hungarian Adrian Szatmary, No. 6 Australian Robert Smeets at No. 7 Taiwanese Shih Chueh Chang na makakasama ng mga top seed na sina Briton Jones Amadeus Fulford sa susunod na round ng event na ito na hatid ng Adidas sa tulong ng Wilson, Pioneer, 3M, Viva Mineral Water, Manila Midtown Hotel at Philippine Sports Commission.

Apat na slots ang pinaglalabanan sa boys’ at girls 32-man main draw ng group 2 event na ito kung saan kasama na sina girls singles defending champion at world No. 15 na si Hsieh Su-Wei ng Chinese Taipei at world No. 138 Czarina Mae Arevalo ng Philippines.

Show comments