MBA, hinog na
March 31, 2002 | 12:00am
Napakarami ng ipinagbago sa MBA sa paghahanda nito para sa 2002 season. Ang mga pagbabagong isinakatuparan ni chairman Santi Araneta at ang pagtatalaga ni Chito Loyzaga bilang commissioner ay simula pa lang. Pero ano na ba ang magiging mukha ng batang liga?
LBC-Batangas Blades. Wala na si Romel Adducul, subalit pumalit si Ariel de Castro ng National University. At walang mahinang team, kung may ipinagsamang mga MVP na sina Eddie Laure at Alex Compton, Peter Martin, Jeff Sanders at Tonyboy Espinosa. Interesante lang makita kung anong mangyayari sa mga bata ni Nash Racela pag umupo na ang mga starter.
Osaka-Pangasinan Waves. Sa papel, walang talo. Ipinagsama ang lakas ni Romel Adducul at Chris Clay. Idinagdag pa ang mga San Juan Knights na sina Gilbert Castillo, Randy Alcantara at Vilmer Bañares. Suportado ng ilan pang beterano. Kung magkapareho sila ng pag-iisip, malayo ang mararating.
Olongapo Volunteers. Si Junel Baculi ang may akda ng apat na sunod na kampeonato ng Welcoat sa PBL. Ang 68 na si Jeff Flowers ang statistical leader ng MBA noong nakaraang taon. Ihalo pa rito ang kalahati ng Welcoat ( Allen Patrimonio, Brixter Encarnacion, Calijohn Orfrecio at Eugene Tan). Isama pa si Johnedel Cardel ng Negros. Magandang itapat sa alinmang koponan sa Norte.
Pampanga Stars. Ato Agustin, bumalik sa pinanggalingan, kauna-unahang playing coach sa kasaysayan ng MBA. Halos ibinuo ang dating Pampanga Dragon. Maraming iiskor (Eric Gascon, Dave Bautista, Richie Melencio at Ariel Garcia). Tanong lang: Kaya ba nilang makipagbanggaan sa mga higante ng Pangasinan at Gapo?
RCPI-Negros Slashers. Nasa kamay ni John Ferriols ang kinabukasan ng Southern Conference champion. Halos buo pa rin ang koponan, kabilang sina Dennis Madrid, Dino Aldeguer, Reynel Hugnatan, Leo Bat-og at Ruben dela Rosa. Pero si Jojo Villapando na ang may tangan ng mga plays. Gaya ng lagi, mahirap pa ring sabayan, lalo na sa sarili nilang bahay.
Cebuana Lhuillier Gems. Naghahanap pa rin ng lehitimong sentro, lalo nat nasaktan muli ang tuhod ni Marc Pingris. Pero hindi kukulangin sa mga shooter. Stephen Padilla, Bruce Dacia, Juvanil Yu. Nakahanap ng makikipag-banggaan: Melvin Taguines (Laguna), Chris de Jesus (Socsargen) at Jessi Lumantas (Davao). Pinakamabigat sa lahat si Francis Rodriguez na ang kanilang coach.
Cagayan de Oro Amigos. Ibigay na ang bola kay Peter Martin. Pero masarap ding panoorin ang mga baguhan: NCAA MVP Ernani Epondulan, Ricky Calimag, Ariel Capus, Francis Sanz at Derick Bughao. Kasama rin sina Sonny Manucat at Francis Aquino (Nueva Ecija). Huwag lang mabugbog ng maaga, baka marami ang masorpresa.
TPG-Davao Eagles. Nasungkit si Billy Mamaril mula sa PBL, na tutulungan ni Cid White (Negros), Jan Montalbo (Cebu) at Glenn Peter Yap (Alaska) at Brandon Sison. Di na dehado sa laki, lamang pa sa bilis. Panoorin si discovery of the year Peter June Simon, Dongking Sasuman, Bong Marata at Mike Manigo at makikita ninyo ang estilo ng Davaoeño. Takbuhan, barilan.
Tunay na makulay ang MBA 2002 na magsisimula sa Abril 6. Pero mas bagay sila ngayong araw, sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended