Mahigit sa 60 players sa top 1000 ng ITF ang maglalaban-laban para sa apat na slots na kailangan sa boys at girls 32-man draw ng Group 2 event na ito na lalahukan nina world No. 1 Lleyton Hewitt at Mark Philippoussis ng Australia, American Andy Roddick at Indian leader Paes ang host at iba pang ATP at WTA campaigners.
May 44 world-ranked netters sa pangunguna ni girls singles defending champion at world No. 15 Hsieh Su-Wei ng Chinese-Taipei at world No. 139 Czarina Mae Arevalo ng Philippines ang binigyan ng puwesto sa main draw.
Bukod kay Hsieh, ang iba pang top 100 players sa girls singles main draw ay sina No. 21 Silvana Bajer ng Nether-lands, No. 27 Zsu Zsanna Babos ng Hungary, No. 32 Elise Tamaela ng Netherlands, No. 38 Sania Mirza at No. 48 Isha Lakhani ng India, No. 73 Bejer Ko ng Canada, No. 76 Chan Chi-Wei ng Chinese-Taipei, No. 84 Pichaya Lao-sirinchon ng Thailand, No. 86 Darya Ivanov ng Australia aty No. 89 Alexandra McGoodwin ng US.
Sa boys division naman sina world No. 35 Michael Koning ng Netherlands bilang top seed, No. 39 Chris Kwon ng US, No. 45 Liu Tai-Weei at No. 51 Hsieh Wang-Cheng ng Chinese-Taipei na seeded second hanggang 4th.
Wilds cards sina Pinoy netters Yannick Guba, Joseph Arcilla at Ruben Gonzales, sa boys at sina Charise Godoy, Bernardine Sepulveda, Alyssa Labay at Fil-German Anja Peter sa kababaihan.