Tatangkain nina National players Joseph Victorino, Johnny Arcilla, Adelo Abadia at Michael Mora III na mapanatili ang puwesto ng bansa sa Group 2 sa kanilang pagha-mon sa Kuwait team nina Mohammad Al-Ghareeb, Mosaad Al-Jazzaf, Mohamad Al-Foudari at Hussain Al-Ashwak sa Davis Cup playoff na nakatakda sa Abril 5-7 sa Philippine Columbian Association covered courts.
"The boys are ready. They have been training since February," ani RP team captain Johnny Jose.
Ang Philippines ay nalaglag sa playoff round kontra sa Kuwait matapos na mabigo sa Kazakhstan, 1-4 sa first round na ginanap noong Pebrero 8-10 sa Almaty, Kazakhstan.
Sa unang araw, nabigo si Victorino kay Dias Doskarayev, 6-4, 4-6, 3-6, 6-0 at yumuko naman si Arcilla kay Alexey Kedrijuk, 2-6, 2-6, 6-4, 3-6.
Sa sumunod na araw, natalo naman sina Arcilla at Abadia kina Doskarayev at Kedrijuk , 6-3, 6-4, 3-6, 6-7,(5), 7-9 at sa huling araw, pinabag-sak si Victorino ni Anton Tsymbalov, 2-6, 6-3, 5-7 at lumuhod si Mora (pumalit kay Arcilla) kay Dmitriy Makeyev, 7-6 (2) 6-4.
Ang Kuwait naman ay natalo sa China sa 1-4 na ang kanilang top player na si Mohammad Al-Ghareeb ang tanging umiskor na natata-nging tagumpay sa pamamagitan ng straight set, 6-3, 7-5, 6-4 kontra kay Yu Wang.
Bilang pagsunod sa batas na International Tennis Federation Davis Cup regulation, ihahayag ng Philippine Tennis Association ang draw ng Davis Cup na gaganapin sa Abril 4 sa Manila Midtown Hotel, Binondo Room.
Ang Davis Cup opening ceremony ay nakatakda sa Abril 5, alas-12:30 ng tanghali sa PCA covered courts na dadaluhan ng mga miyembro ng dalawang teams at nina Kuwait Ambassador Ibrahim Almuhanna at PSC chairman Eric Buhain.