Pagbabalik ng tour malugod na tinanggap
March 28, 2002 | 12:00am
Mainit na tinanggap ng lokal na cycling federation ang napipintong pagbalik ng Tour kasabay ng pagpuri sa pagsisikap na bigyang buhay ang amateur cycling para sa pagsali ng bansa sa mga international na karera.
"Its a welcome development for the Philippine cycling as a whole and we are glad we have some good samaritans who consider cycling as a sport needing attention and support," wika ni Ponciano Regalado Jr., pangulo ng Philippine Amateur Cycling Association (PACA).
Inaasahang papadyak ang Tour sa mga lansangan sa susunod na taon sa paglarga ng apat na araw ng karera sa Calarbarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) area na magtatapos sa Luneta.
Interesado ang Airfreight 2100 na gastusan ang pagbabalik ng Tour at mayroon na silang pag-uusap ng mga opisyales ng Professional Cycling Association of the Philippines (PCAP).
Anim na national riders na inaasahang sasabak sa Kuala Lumpur track race sa susunod na buwan ang siyang pangunahing elemento ng Tour.
Ang anim na riders ay sina Paterno Curtan, Paulo Manapul, Ronald Gorantes, Alfie Catalan, Lloyd Reynante at Santy Barnachea na nakatakdang umentra sa long events track competitions ng Tour of Friendly Policing sa Abril 13-22 sa Kuala Lumpur. Ang long track events ay isang individual at team pursuits, points race at elimination race.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended