Ayon kay ABAP president Manny Lopez, ang anim na fighters ay lalahok sa Gee Bee International Amateur Boxing Championships sa Helsinki, Finland sa Abril 5-7 at sa Socikas International Amateur Boxing Championships sa Kaunas, Lithuania sa Abril 10-14.
Itoy sina Harry Tanamor (lightweight), Violito Payla (flyweight), Vicente Palicte (bantamweight), Roel Laguna (featherweight), Anthony Igusquiza (lightweight) at Romeo Brin (lightfeatherweight).
Sila ay sasamahan ni Nolito Velasco (head coach), Patricio Gaspi (assistant coach) at Renato Fortaleza (referee/judge). Si Lopez ang siyang tatayong head ng delegasyon.
Sinabi ni Lopez na ang koponan at bahagi ng 34 member national pool kung saan dito pipiliin ang national team na isasabak sa Asian Games sa September.
Dalawang iba pang koponan ang nakatakdang sumali sa international tournaments sa Bangkok, Thailand at Havanna, Cuba sa buwan din ng Abril.
Ang partisipasyon ng nationals ay ginagastusan ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights, Revicon at Adidas.
"This tournaments are part of our intensive training program leading to the Busan Asian Games," ani Lopez.