^

PSN Palaro

6-mqn RP pugs pa-Europe

-
Anim na katao ng Team Philippines ang lalahok sa dalawang international tournament sa Europe bilang bahagi sa proseso ng Amateur Boxing Association of the Philippines sa kanilang pagpili ng mga isasabak para sa nalalapit na Asian Games sa Busan, South Korea.

Ayon kay ABAP president Manny Lopez, ang anim na fighters ay lalahok sa Gee Bee International Amateur Boxing Championships sa Helsinki, Finland sa Abril 5-7 at sa Socikas International Amateur Boxing Championships sa Kaunas, Lithuania sa Abril 10-14.

Ito’y sina Harry Tanamor (lightweight), Violito Payla (flyweight), Vicente Palicte (bantamweight), Roel Laguna (featherweight), Anthony Igusquiza (lightweight) at Romeo Brin (lightfeatherweight).

Sila ay sasamahan ni Nolito Velasco (head coach), Patricio Gaspi (assistant coach) at Renato Fortaleza (referee/judge). Si Lopez ang siyang tatayong head ng delegasyon.

Sinabi ni Lopez na ang koponan at bahagi ng 34 member national pool kung saan dito pipiliin ang national team na isasabak sa Asian Games sa September.

Dalawang iba pang koponan ang nakatakdang sumali sa international tournaments sa Bangkok, Thailand at Havanna, Cuba sa buwan din ng Abril.

Ang partisipasyon ng nationals ay ginagastusan ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights, Revicon at Adidas.

"This tournaments are part of our intensive training program leading to the Busan Asian Games," ani Lopez.

ABRIL

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANTHONY IGUSQUIZA

ASIAN GAMES

BUSAN ASIAN GAMES

GEE BEE INTERNATIONAL AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

HARRY TANAMOR

LOPEZ

MANNY LOPEZ

NOLITO VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with