^

PSN Palaro

Reyes kandidato para sa 'Greatest Players' ng BCA Hall of Fame

-
Napabilang si Efren ‘Bata’ Reyes sa 2002 Billiard Congress of America (BCA) Hall of Fame ballot para sa "Greatest Players" category.

Ito ang inihayag ni Stephen D. Ducoff, BCA Executive Director sa kanyang liham kay Reyes.

Isa si Reyes, itinataguyod ng Puyat Sports, sa limang nominadong BCA members na boboto. Ang mananalo ay ihahayag sa Mayo 18. Ang iba pang nominado ay sina Earl Strickland, Jim Rempe, Edwin Kelly at Loree Jon Jones.

Ang liham ni Ducoff ay ipinadala sa Amerika na naka-addres sa kaibigan ni Reyes at kapwa niya manlalaro na si Mike Lebron.

Ang nominating committee ay pangungunahan ni Mike Shamos.

At dahil sa lima lamang ang nominado, ang bawat miyembro ay binigyan ng instructions na bumoto ng dalawa para sa kandidato. Ang kandidatong makakakuha ng mas maraming boto ang siyang idedeklarang iluluklok sa Hall of Fame.

Ang ikalawang kandidato ay maaaring mahalal kung siya ay maka-kakuha ng hindi bababa sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga botante.

Ang Hall of Fame induction ceremony at banquet ay gaganapin sa Hulyo 27, 2002 sa alas-7 ng gabi sa New Orleans Hyatt sa New Orleans, LA. Ang lahat ng kasalukuyang Hall of Fame members ay iniimbitahan na dumalo upang salubungin at parangalan ang mga bagong miyembro sa elite group ng individuals.

ANG HALL OF FAME

BILLIARD CONGRESS OF AMERICA

DUCOFF

EARL STRICKLAND

EDWIN KELLY

EXECUTIVE DIRECTOR

GREATEST PLAYERS

HALL OF FAME

JIM REMPE

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with