^

PSN Palaro

13th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championship

-
Muling pupukaw ng atensiyon ang isang world-class tennis sa Manila sa susunod na linggo sa pagdaraos ng 13th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Aabot sa 20 bansa kabilang ang host Philippines ang kakatawan sa Group II championships na nilahukan nina world No. 1 Lleyton Hewitt at Mark Philippoussis ng Australia, American Andy Roddick, Indian Leander Paez at host ng iba pang ATP at WTA campaigners.

Mayroong 44 world-ranked netters sa pangunguna ng girls’ singles defending champion at world No. 15 Hsieh Suwei ng Taiwan at world No. 139 Czarina Mae Arevalo ng Philippines ang pinagkalooban ng slot sa 32-man main draw sa boys’ at girls’ singles at mahigit 60 iba pa sa top 1000 listahan ng ITF ang magtatangka para sa apat na open slot sa nasa-bing division.

Magsisimula sa Linggo ang naturang tournament sa pamamagitan ng dalawang araw na qualifying round at ang main draw competitions ay sisimulan naman sa Martes.

Bukod kay Hsieh, ang iba pang top 100 players sa girls singles main draw ay sina No. 21 Silvana Bajer ng Netherlands, No. 27 Zsu Zsanna Babos ng Hungary, No. 32 Elise Tamaela ng Netherlands, No. 38 Sania Mirza ng India, No. 48 Isha Lakhani ng India, No. 73 Beier Ko ng Canada, No. 76 Chan Chiwei ng Taiwan, No. 86 Darya Ivanov ng Australia at No. 89 Alexandra McGoodwin ng USA.

Ang boys division ay kinabibilangan nina world No. 35 Michel Koning ng Netherlands bilang top seed, No. 39 Chris Kwon ng USA, No. 45 Liu Taiweei ng Taiwan at No. 51 Hsieh Wangcheng ng Taiwan na seeded second hanggang fourth, ayon sa pagkakasunod.

Pitong Filipinos ang pinagkalooban ng wild cards sina Yannick Guba, Joseph Arcilla at Ruben Gonzales sa boys division at Charise Godoy, Bernadine Sepulveda, Alyssa Labay at Fil-German Anja Peter sa distaff side.

ALYSSA LABAY

AMERICAN ANDY RODDICK

BEIER KO

BERNADINE SEPULVEDA

CHAN CHIWEI

CHARISE GODOY

CHRIS KWON

CZARINA MAE AREVALO

DARYA IVANOV

ELISE TAMAELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with