Ana Freezers umaasa pa rin
March 27, 2002 | 12:00am
Bagamat nawala na ang mga key players na sina Ariel Capus at Ariel de Castro, umaasa pa rin ang Ana Feezers na magiging maganda ang kanilang pagtatapos sa nalalapit na 2002 PBL Chairmans Cup sa darating na Abril 3 sa Makati Coliseum.
Isa sa dahilan ng magandang ngiti ni Mendoza ay ang pagbabalik ni Ogie Gumatay na siyang magpapalakas ng karanasan ng koponan upang magbigay tulong sa mga seasoned mainstays Paul Artadi, Ronald Tubid, Robin Mendoza, Leo Vilar, Roland Pascual at Sportsmanship awardee Dondon Mendoza.
Di gaya ng mga nakaraang taon, mayroon na si Mendoza ng dalawang lehitimong 65 sentro sa kat-uhan nina Melvin Mamaclay at Robert Giron upang ipantapat sa mga matataas na manlalaro ng ibang koponan.
Nag-improved rin ang laro nina Emerson Oreta, Jojo de Guzman at Theody Habelito sa off-season kung saan hinugot rin ni Mendoza sina Gherome Chaneco, Jesse Sullano at Cebuano James Laygo upang palakasin naman ang kanilang bilis.
"Well miss the two guys. Si Capus pumunta na sa MBA while de Castro is still recovering from a shoulder blade injury. But there are a lot more to be happy about," pahayag ni team manager-owner Rudy Mendoza.
"Malaking bagay ang pagbabalik ni Ogie Gumatay parang me isa pa kaming beteranong pamalit ke Artadi at Robin Mendoza. At saka nag-step up din yung ibang players. Iba ang intensity na pinapakita nila sa practice," dagdag pa niya.
Ang pagkakadagdag nina Mamaclay at Giron ang siyang lumutas sa kanilang problema sa taas na siyang pumigil sa kanilang pagpasok sa Final Four ng nakaraang PBL Challenge Cup.
"Problema talaga namin yung sentro last conference compared to Shark and Kutitap na nakapasok sa Final Four. Siguro naman this conference, mas maganda ang finish namin," ani pa ni Mendoza.
"All we need right now is to jell better. Were not promising anything, but what we can assure is, this will be a strong fighting team," pagtatapos pa ni Mendoza.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended