^

PSN Palaro

MYG patuloy ang pagtanggap ng suporta

-
Patuloy ang pagdagsa ng mga suporta mula sa government, gayundin sa private sector para sa nalalapit na 1st Manila Youth Games (MYG) na magbubukas sa Abril 7-14 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Kamakailan, ipinalabas ni (PSC) Chairman Eric Buhain ang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P500,000 sa organizing Manila Sports Council (MASCO) at siniguro rin niya ang libreng pagpapagamit ng mga sports facilities, habang dalawa pang pribadong kumpanya ang WG&A Super Ferry at Smart Communications ang naglaan na din ng suporta para sa isang

linggong tournament.

Ayon kay Ali Atienza, MASCO chief, na ang WG&A Super Ferry ang siyang magkakaloob ng tickets na siyang ipapa-raffle sa publiko ng MASCO kasabay ng naturang event, habang ang Smart Communications ang siyang magpo-provide ng communication equipment para sa organizers upang maseguro ang tagumpay ng Manila Youth Games.

Idinagdag pa ni Ali, na inaasahan nilang magbibigay rin ng tulong ang PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagdaraos ng Manila Youth Games.

Ang PAGCOR at PCSO ang dalawang government agancies na siyang nagbibigay ng pinansiyal na suporta sa sports development ng bansa.

Ang iba pang nagpahayag ng kanilang suporta sa MYG ay ang Peak Taekwondo Equipment, Victor Sports at PC-One na siyang mangangasiwa sa computerization ng event.

Ang tatanghaling Outstanding performers sa MYG ang siyang pagkakalooban ng scholarships sa malapit ng itatag na Manila Sports Academy (MSA) sa Manila Boys’ Town.

Ang mga sports na paglalabanan sa MYG ay ang athletics, badminton, chess, dancesports, football, gymnastics, lawn tennis, girls softball, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball.

A SUPER FERRY

ALI ATIENZA

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

MANILA BOYS

MANILA SPORTS ACADEMY

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

PEAK TAEKWONDO EQUIPMENT

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SMART COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with