Matapos na maitabla ang kanilang record sa 1-1 sa Group B matapos na hiyain ang Ateneo, 18-11 noong nakaraang Sabado, tangka ng Tigers na maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagdigma sa Titans (0-1) sa unang laro sa alas-9 ng umaga.
Paborito naman ang Santo Tomas sa kabila ng kanilang natamong kabiguan sa mga kamay ng Philab, 3-4 noong opening matapos na muling magbalik sa lineup ang kaliwete at team manager na si Jeffrey Santiago sa kanilang laro ngayon.
Haharapin naman ng Archers na nagtala ng impresibong 9-6 tagumpay kontra sa Polytechnic University noong nakaraang Sabado ang kasalukuyang UAAP back-to-back champion University of the Philippine sa alas-3 ng hapon sa Group C.
Samantala, sinabi ng organizers ng tournament na kanilang kakanselahin ang nakatakdang triple-header sa Linggo upang bigyang daan ang araw ng Semana Santa at ang nasabing laro ay muling itatakda sa darating na Abril 6.