UST, La Salle iisa ang hangarin
March 23, 2002 | 12:00am
Iisa ang hangarin ng Santo Tomas University at ng La Salle ang maipanalo ang kanilang nakatakdang laro ngayon sa magkahiwalay na laban sa pagbabalik ng aksiyon sa Metro Manila Championship baseball tournament sa Rizal Ballpark.
Matapos na maitabla ang kanilang record sa 1-1 sa Group B matapos na hiyain ang Ateneo, 18-11 noong nakaraang Sabado, tangka ng Tigers na maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagdigma sa Titans (0-1) sa unang laro sa alas-9 ng umaga.
Paborito naman ang Santo Tomas sa kabila ng kanilang natamong kabiguan sa mga kamay ng Philab, 3-4 noong opening matapos na muling magbalik sa lineup ang kaliwete at team manager na si Jeffrey Santiago sa kanilang laro ngayon.
Haharapin naman ng Archers na nagtala ng impresibong 9-6 tagumpay kontra sa Polytechnic University noong nakaraang Sabado ang kasalukuyang UAAP back-to-back champion University of the Philippine sa alas-3 ng hapon sa Group C.
Samantala, sinabi ng organizers ng tournament na kanilang kakanselahin ang nakatakdang triple-header sa Linggo upang bigyang daan ang araw ng Semana Santa at ang nasabing laro ay muling itatakda sa darating na Abril 6.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am