Montana higit na nagpalakas
March 23, 2002 | 12:00am
Inaasahan na magiging maganda ang kampanya ng Montana Jewels sa season na ito matapos na palakasin ang kanilang lineup na tatampukan ng mga bata pero mahuhusay na manlalaro sa nalalapit na 2002 PBL Pres. Arroyo Cup na magbubukas sa Abril 3 sa Makati Coliseum.
Base sa kanilang tinapos na runner-up sa nakaraang CBF-PBL partnership Cup sa Cebu, nagpamalas ang Jewelers ng potentials bilang susunod na title-rival ng defending champion Shark Energy Drink sa likod ng mga mahuhusay na sina Most Impro-ved Player Gary David, Jenkins Mesina, slotman Nurjamjam Alfad, Jay-mann Misola at three-point shooter Mark Macapagal.
Bagamat nawalan ang Montana ng mga pointgurad na sina Lou Gatumbato, Jacquez Gottenbos at Aries Dimaunahan na napunta na sa Blu, pinapirma naman ni head coach Turo Valenzona ang mga mahuhusay na replacements na sina Christian Coronel, Roy Falcasantos, Marlon Kalaw, Mapuas Steve Marucot at FEU Tamaraws Rhagnee Sinco at Michael Tolentino na inaa-sahang magbibigay ng lakas sa opensa.
"Unlike last conference, we had more time to prepare and jell as a unit. The Cebu stint was a big help for us to identify our lapses and better adjust to the PBL system," pahayag ni Valenzona.
Sa kabila ng pagkakatalsik ng Jewelers sa semifinals ng huling kumperensiya, mas higit pang ipinursige nina team owners Armand at Conching Quibod ang kanilang kampanya para sa inaasam na titulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest