^

PSN Palaro

Volunteers magarbong ipakikilala sa Olongapo City

-
Isang magarbong pagsalubong ang ibibigay ng Olongapo City sa MBA team Volunteers ngayon sa pangunguna ni City Mayor at MBA board of Governor Kate Gordon.

Isang motorcade sa palibot ng siyudad na magwawakas sa Olongapo City Convention Center ang magsisilbing home court ng Volunteers’ sa pagbubukas ng ikalimang season, ang tampok sa aktibidades na susundan ng exhibition game sa pagitan ng Volunteers at Cagayan de Oro Amigos.

Matapos ang laro, ipakikilala ang Volunteers sa mga press bago makisaya sa mga fans para sa autograph sessions at parlor games at ilang production numbers na lalahukan ng mga piling entertainers. Ang nasabing pagsasaya ay papalawigin hanggang kinagabihan kung saan isang street party ang ibibigay para sa mga mamamayan ng Olongapo at cocktails para sa mga panauhin.

Ang Olongapo City ang siyang bagong miyembro ng MBA at makakasama nila ang kasalukuyang National titlist Batangas Blades, Osaka Pangasinan at Pampanga sa Northern Conference.

Magkaka-grupo naman sa Southern Conference ang RCPI Negros, Professional Davao Eagles, Cebuana Lhuillier at Cagayan de Oro.

Babanderahan ni Fil-Am Jeffrey Flowers ang Volunteers na gigiyahan ng multi-titled coach Junel Baculi. Ang iba pang manlalaro ay sina Joel Dualan, Brixter Encarnacion, Calijohn Orfrecio, Michael Robinson, Julius Gonzales, Kerwin McCoy, Bob Allen, Allen Patrimonio, Ferdinand Go, Eugene Tan, Ricky Vinoya, Henry Fernandez at Johndel Cardel.

ALLEN PATRIMONIO

ANG OLONGAPO CITY

BATANGAS BLADES

BOB ALLEN

BRIXTER ENCARNACION

CALIJOHN ORFRECIO

CEBUANA LHUILLIER

CITY MAYOR

EUGENE TAN

FERDINAND GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with