^

PSN Palaro

Liderato nasolo ni Teves sa National Chess Championship

-
Pinatalsik ni Michael Teves si Ferdinand Leysa sa 34 sulungan ng Gloco-Piano upang agawin ang pamumuno makaraan ang limang rounds ng elimination round ng National Chess Championship sa Centermall Greenhills Shopping Center sa San Juan.

Sinamantala ni Teves, tubong Tagbilaran, Bohol ang pagkakamit ng krusiyal error ni Leysa sa 24th sulungan--isang knight move 21 f4 sa halip na bishop ang kanyang itira na siyang nagbukas ng pagkak-ataon sa posisyon ni Teves para talunin ang kanyang reyna patungo sa kanyang panalo.

Ang panalo ay sapat na para makuha ni Teves ang solong pangunguna bunga ng kanyang limang puntos na nalikom patungo sa ikaanim na round ng tournament na ito na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, habang bumagsak naman si Leysa ng Surallah, South Cotabato sa pakikipagtabla mula sa 9th hanggang 22nd place na may apat na puntos.

Taglay ng pito-katao ang kalahating puntos na agwat ni Leysa na may tig-4.5 puntos na pinangungunahan ng beteranong si Leo Ricana at 21-anyos na si Oliver Dimakiling.

Ang iba pang kabilang sa grupong ito ay sina Edmundo Gatus, Jude Ulanday, Esmail Abas, Allan Macala at Glicerio Pardillo.

Tinapos ni Ricana ang pananalasa ni Carlo Rosaupan nang kanya itong talunin gamit ang paboritong Dunst sa 40-moves.

Tinapatan ni Ricana ang inilatag na center pawns ni Rosaupan upang iseguro ang kanyang panalo.

Sa board 3, pinigilan ni Dimakiling si Rene Ancheta sa opening round pa lamang upang walisin ang kanyang kalaban sa 21-moves ng Pirc.

Pinabagsak ni Gatus, 11th seeded si Redentor Cerilo sa 47-sulungan ng Slav, habang tinalo ni Pardillo si Jose Mana bilang sa 37-moves ng Sicilian defense.

ALLAN MACALA

CARLO ROSAUPAN

CENTERMALL GREENHILLS SHOPPING CENTER

EDMUNDO GATUS

ESMAIL ABAS

FERDINAND LEYSA

GLICERIO PARDILLO

JOSE MANA

LEYSA

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with