Nakuha rin ni Quitara ang finals sa unisex 10-under category kontra Juremy Haro na umiskor ng 6-3, 6-2 panalo kontra sa Amerikanong si Gabriel Bollant.
Naungusan ni Gerard Ngo si Gerard Pinili, 8-6 upang harapin ang kapwa niya Manila Mark Balce na humiya kay John Reazon, 8-3 sa boys 12-under class; tinalo ni Hussein Macapendeg ng Cotabato City si Ngo, 6-3, 6-2 upang isaayos ang kanilang paghaharap ni Franz Bonilla sa boys 14-under bracket.
Tangka ni Bonilla na maisubi ang dalawang korona sa kanyang pakikipagharap kontra Ed Angelo Diez para sa boys 16-under division.
Ang iba pang finalists sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids ay sina Jessica Haro na sasabak kay Jaylene Tan sa girls 18-under at Mary Ann Luy na haharap naman kay Golde Mae Valenzona sa girls 16-under group.