^

PSN Palaro

Quitara pasok sa finals ng 12 under

-
DAVAO -- Pinatalasik ni Zhane Quitara ng Imus, Cavite si Ma. Lydia Aguilar, 6-2, 6-2 upang makapasok sa finals ng girls’12-under division ng inulan na 2002 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa PTA hardcourts.

Nakuha rin ni Quitara ang finals sa unisex 10-under category kontra Juremy Haro na umiskor ng 6-3, 6-2 panalo kontra sa Amerikanong si Gabriel Bollant.

Naungusan ni Gerard Ngo si Gerard Pinili, 8-6 upang harapin ang kapwa niya Manila Mark Balce na humiya kay John Reazon, 8-3 sa boys’ 12-under class; tinalo ni Hussein Macapendeg ng Cotabato City si Ngo, 6-3, 6-2 upang isaayos ang kanilang paghaharap ni Franz Bonilla sa boys’ 14-under bracket.

Tangka ni Bonilla na maisubi ang dalawang korona sa kanyang pakikipagharap kontra Ed Angelo Diez para sa boys’ 16-under division.

Ang iba pang finalists sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids ay sina Jessica Haro na sasabak kay Jaylene Tan sa girls’ 18-under at Mary Ann Luy na haharap naman kay Golde Mae Valenzona sa girls’ 16-under group.

COTABATO CITY

ED ANGELO DIEZ

FRANZ BONILLA

GABRIEL BOLLANT

GERARD NGO

GERARD PINILI

GOLDE MAE VALENZONA

HUSSEIN MACAPENDEG

JAYLENE TAN

JESSICA HARO

JOHN REAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with