Inihayag ni PBL commissioner Chino Trinidad na kasalukuyan ng may pag-uusap sa pagitan ng PBL sa pamamagitan ni Deputy Commissioner Tommy Ong at BAPs Executive Vice-President Christian Tan at head coach Johnny Tam ang pag-entra ng RP 18-under training pool bilang guest team sa nalalapit na 2002 PBL season na magbubukas sa Abril 3 sa Makati Coliseum.
Ang nasabing plano ay isang magandang preparasyon para sa RP juniors team na kanilang training para sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Juniors Championships sa Bangkok at sa prestihiyosong mahigpitang kompetensiya sa ABC young mens championship sa Kuwait ngayong Disyembre.
"This could be the end of the cold war between the BAP and the PBL. The ongoing talks only proved our position to be concerned of the present and the future, and we dont dwell on things of the past," wika ni Trinidad ng maging panauhin ito kahapon sa lingguhang PSA Forum na hatid ng Red Bull at Agfa Color sa Holiday Inn Manila Pavillion.
Ilang taon na ang nakakaraan ng magkaroon ng di pagkakaunawaan ang PBL at BAP hinggil sa pagbuo ng National team at ang nasabing sigalot ay lalo pang lumubha nang magtungo ang BAP sa Games and Amusement Board at humiling na ideklarang professional league ang PBL.
"We felt the need to help the RP training pool by giving them the needed exposure and experience playing against the PBL teams. I hope this will be the start of a harmonious relationship between the PBL and the BAP," dagdag pa ni Trinidad.