Mama, Yambao namuno sa Slimmers 8K run
March 18, 2002 | 12:00am
Rumemate si Philippine National team member Daud Mama sa kasabayang si Reynaldo delos Reyes sa huling kilometro upang mapag-wagian ang Slimmers World 8K Fitness Run sa palibot ng Greenhills Shopping Center area na suportado din ng Dole singles, Manly Sportswear, Sustagen Premium at Kellogs Cornflakes.
"Wala ang ibang malala-kas, kami lang ni delos Reyes ang nagbabantayan, pero sa huli naiwan ko rin siya," anang Navyman na si Mama na naorasan ng 26:13 para sa 8K race na humatak ng libong mananakbo na tinampukan ng action star na si Cesar Montano. Ang panalo ni Mama ay nagkakahalaga ng P10,000.
Sa kabilang dako, ang second placer na si delos Reyes, na isang Philippine Army naman ay tumanggap ng P5,000.
Sa kababaihan, namayani naman ang tubong-Laguna at miyembro ng UST track team na si Analiza Yambao na nagtala ng oras na 32:37. "Alam ko kasi walang mabigat na kalaban kaya medyo kumpiyansa ako dito sa karera, sa umpisa pa lang umuna na ako at wala nang nakadikit." anang 21 anyos na si Yambao.
Pumangalawa naman ang beteranang si Juvy Madredia sa bilis na 33:26 habang ang guro ng Pamantasan ng Lungsod ng Makati at dating Milo marathon champion na si Jona Atienza ay pumangatlo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended