Guardo-Lhuillier nalo sa RP-Spring Cooking Oil

CEBU CITY -- Kumana si Aldrin Ocanada ng lima sa kanyang 24 puntos na produksiyon sa extra period upang ihatid ang Guardo Lhuillier sa 117-114 panalo kontra sa RP-Spring Cooking Oil kamakalawa ng gabi upang maisubi ang fifth South East Asia Basketball Association (SEABA) Champion’s Cup title sa New Cebu Coliseum dito.

Naglunsad ang Guardo Lhuillier ng ilang ulit na rally sa final period bago naitabla ni Junnel Maglasang ang iskor sa 102-all, may 41 segundo ang nalalabi sa laro.

Hindi nagpabaya ang Cooking Oil Experts nang humugot si Yong Garcia ng foul kay Maui Huelar na nagdala sa kanya sa charity shots.

Kampanteng isinalpak ni Garcia ang kanyang dalawang bonus shot ang siyang nagbigay sa Cooking Oil Experts ng pangunguna sa 104-102, may 37 segundo na lamang sa laro.

Pero binawian naman sila ng Guardo nang si Maglasang naman ang humugot ng foul mula kay Garcia at kanyang ipinasok ang dalawang free throws ang siyang nagpuwersa ng extra limang minuto para sa final score na 104-deadlock.

Sa kabila ng kanilang kabiguan, kakatawanin pa rin ng Spring Cooking Oil ang bansa sa ABC Champion’s sa Malaysia sa susunod na buwan bilang opisyal RP team.

Show comments