^

PSN Palaro

Long term program tutukan naman ng PSC

-
Matapos ilatag ang pundasyon ng isang policy na magbibigay direksiyon sa grssroots development program ng bansa, nakatutok naman ang atensiyon ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) sa long term program na nais nilang tapusin sa loob ng dalawang taon.

Inatasan ni PSC Chairman Eric Buhain ang National Sports Development Program, partikular na ang project director na si Ariel Paredes, na agad tipunin ang national study group na mangunguna para mabuo ang komprehensibong long-term grassroots program.

Bahagi ng naturang layunin ang PSC, Philippine Olympic Committee, Department of Interior and Local Government, Department of Education, Commission on Higher Education at mga local government.

Ipinag-utos ni Buhain ang pagsisimula ng naturang proyekto bago magtapos ang National Grassroots Development Program Technical Consultative Assembly kahapon sa Bayview Plaza Hotel sa Manila.

Mahigit 400 delegado mula sa iba’t ibang dako ng bansa ang nakibahagi sa assembly bilang simula ng grassroots program na magsisimula sa mass-based events at ang resulta ay makikita sa pamamagitan ng mahusay na performance sa international competitions.

ARIEL PAREDES

BAYVIEW PLAZA HOTEL

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGHER EDUCATION

NATIONAL GRASSROOTS DEVELOPMENT PROGRAM TECHNICAL CONSULTATIVE ASSEMBLY

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT PROGRAM

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with